Mommy Chi, Keeping Her Memories Alive

Uncategorized

Kapag naging nanay ka na, panandalian mong makakalimutan lahat ng pangarap mo. Magkakaroon ka na ng mga bagong pangarap hindi na para sa sarili mo kundi para sa anak mo at pamilyang binubuo mo.

You can be a mom and still follow your dreams.”

Isa ito sa mga quote cards na pinakapaborito ko na ginawa ni Mommy Chi nang mag-apply siya sa FHMoms bilang Canva Graphic Designer. Isa siya sa mga pinakauna at pinakamagaling na Virtual Assistant noong magsimula ang FHMoms sa taong 2017 na nakitaan ko ng potensiyal.

Hindi ako nagkamali kasi masaya ako na makatrabaho siya kahit online lang. Bukod sa pagdedesign ay maaasahan rin siya sa ibang admin tasks. Ang laki ng naitulong niya sa pagbuo ng Filipina Homebased Moms, may mga resume templates na siya ang nagdesign na ginagamit namin ngayon bilang guide sa mga newbies. Maraming pangarap ng mga mommy members namin ngayon ang naabot nila dahil sa tulong niya. Pinatunayan niya na hindi pa huli ang lahat para sa ating mga nanay na abutin ang mga pangarap na’tin na makapagtrabaho at maalagaan pa din ang pamilya.

Nirecommend ko si Mommy Chi sa ibang clients, hanggang sa ibalita niya sa akin na may Colon Cancer siya. Ang laki ng ibinagsak ng katawan niya. Nagsimula akong magpadonation drive para sakanya at nagbigay rin ng tulong pinansiyal ang isa sa mga client namin. Pero hindi pa din ito naging sapat para sa mga treatments na kailangan niya.

Ang tagal ko na ding hindi nakakausap at nakakamusta si Mommy Chi hanggang magmessage siya sa akin ngayong taon. Sabi niya sa akin, kapag gumaling na siya sa sakit niya, gusto niya ulit magtrabaho sa FHMoms. Sabi ko, aantayin ko na gumaling siya dahil excited akong makatrabaho siya ulit.

July 27, 2020 nang pumanaw si Mommy Chi Que Alfonso pero ngayong August lang namin ito nalaman sa Facebook. Ilang taon rin niyang nilabanan ang sakit na Colon Cancer. Makikita sa mga photos na ito na sa kabila ng kanyang sakit ay patuloy pa din siya sa pagaalaga sa anak niyang si Sushi, narito ang isa sa mga proud moments niya nang makasama ang anak sa honor roll at ang message naman ni Sushi na nagpapasalamat sa pagaalaga ng ina sa kanya.

Her daughter’s letter to Mommy Chi
Her daughter, Sushi, finished the school year with honors.

Mensahe ng mga dating teammates ni Chi sa FHMoms Admin

Chi, maraming salamat sa walang sawa mong pagmamahal bilang isang ina, asawa at kaibigan. Mahal na mahal ka namin ng buong FHMoms! Ito na ang una’t huling beses na nagkita tayo sa Year-end party noong 2017, pero mananatili ka sa puso namin habambuhay.

Mommy Chi with FHMoms Founder, Mommy MK

Ang tagal na din pala naming hindi nagkakausap nila LJ, Regine at Jenny, pero nagvideo call kami para alalahanin lahat ng magaganda na’ting pinagsamahan noong magsimula tayo sa FHMoms at para maipagdasal ka namin pati na sila Sushi at Ponce. Nakakamiss ang mga late-night chikahan, pati na mga kwentuhan na’tin tungkol sa buhay nanay at online freelancer. Sayang hindi ka na namin nadalaw, sana pala nakapagvideo call pa tayo. Pero alam ko, masaya ka na kung nasaan ka man ngayon, mamimiss ka namin pero hindi ka namin makakalimutan.

When I first virtually met Chi, LJ, and Regine, it felt like we we’re really close friends and not just part of FHMoms’ virtual assistants. Then when we finally met real time, during FHMom’s first christmas party, I felt really close to home. Chi really showed to us all that she was not just a hardworking person, but also a very caving mother and a loving wife. Even if our meetings and moments with each other were short-lived, I believe we connected like a family. I know that Chi is now happy in heaven and I pray that she’ll have eternal rest grant unto her soul.

-from Jenny Gazzingan

Hindi lang work from home opportunities ang binuksan ng FHMoms sakin. I met MK, Jenny, LJ, and Chi. We are the first FHMoms Team na hindi lang workmates, but we are like family na very open sa isa’t isa kahit virtual lang nagkakausap. Chi was like our Ate. She was a highly skilled VA, a true friend, and a loving and caring mother and wife. No more pain, Chi. Rest in peace. ❤

-from Regine Pamular Bolanos

FHMoms is where I started my online career. Met people whom I know I will treasure my whole life. Chi was amongst the ladies na nakakausap mo lang online, but you get that connection na I considered them sisters and not just co-workers. Chi has always been proud of her love for Ponce, her husband and how he supported her of doing online work. I was always happy to hear stories of her daughter, Sushi as she eagerly shares Sushi’s milestones she gets to see because she is always by her side. I had an instant connection with Chi because we both had the experience of working abroad and choosing to stay home for the family. Thru Chi, I learned the value of patience, finding humor in life and how friendships can form in so many ways. Thank you Chi for the memories and lessons in life. You will always be in our prayers.

-from LJ Manalili
Mommy Chi’s FHMoms’ former teammates, reminiscing good memories with her.

Bilang isang ina, mas natatakot tayo na sa ating pagkawala hindi na na’tin makikita ang paglaki ng ating mga anak at hindi na na’tin sila maaalagaan. Iniisip na’tin kung paano na kaya sila kung wala tayo. Nakakalungkot isipin pero sana magsilbi itong paalala na maiksi lamang ang buhay. Gawin na’tin ang abot ng makakaya na’tin na masiguradong lalaking maayos at masaya ang ating mga anak. Kung may mga pangarap ka para sa sarili mo at para sa pamilya, simulan mo ng abutin ito ngayon palang.

Wala kang oras na dapat sayangin. Yakapin mo sila ng mahigpit at sabihin kung gaano mo sila kamahal.

ABOUT THE AUTHOR

Filipina Homebased Moms Founder, Mommy MK

Mommy MK’s first ever core team includes Jenny Gazzingan, LJ Manalili, Regine Bolaños, and Chi Que Alfonso. Without Mommy Chi’s contribution, FHMoms will not have grown into what it is today.

FOLLOW US, LIKE, and SHARE THIS POST:
error
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)